Mga kamay mo ay bakbak na
Sa pagmina ng nawawalang pangarap
Balat mo ay sunog na
Sa paghahanap ng pangakong pag-asa.
Sa kakaunting kinikita
Pinalalamon mo ang payak na pamilya
Sa pira-pirasong pangarap
Tuloy ang pag-hinga ng sa yo’y umaasa
Manggagawang Pilipino!
Tunay kang isang obrang nilikha
Manggagawang Pilipino!
Hinubog ka sa pawis at sa adhika
Hindi mo alintana
Ang kakarampot na kinikita
Hindi mo nadarama
Ang pagod, hirap at pagdaralita
Dahil ikaw ay isang himala
Na sa kabila ng unos at pagdurukha
Pilit babangon at gagawa
Para sa minamahal mong pamilya.
Marami na ang sumuko
Marami na ang nangibang-bayan
Subalit mas maraming kayong lumalaban
Mas marami ang tuloy ang pagkamalay.
Huwag kang susuko, uurong
Ang bawat piso mong kinikita
Ay dagdag na pambili,
Dagdag na pangpuno ng iyong sikmura.
Itanim mo sa iyong puso
Ang pag-asenso ay sa tao nagmumula
Ituloy ang sinimulang sipag
Diyan aahon ang Bayang Pilipinas.
Friday, March 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment