Ang buhay ba ay sadyang tadhana
Iisang hibla sa mundong itinalaga?
Mga yapak ba sa bato ay naisulat na.
Mga pangarap ba ay nangyayari na?
Parang ibon na isinadyang lumipad
Timo mo ay pag-ibig laging liliyag
Mandi’y hamog sa gabi ay bababad
Sa mga bulaklak na namumukadkad.
Sa pag-usad natin sa gintong panahon
Laging naisin sa isip ang pag-ahon
Ito ba’y paraan ng langit na malilom
Daang ibinigay sa atin ng Panginoon?
Sa paglayog ba ‘di pwedeng maligaw?
Sa pagsuyo ba ay bawal bumitaw?
Sa pagtanto ba kailangang malinaw?
Sa paggalaw ba kailangang mahinay?
Ninais ba ng tao na siya’y maging tao
O sinadyang palad na hindi matanto?
Kaya ba nating piliin ang pinagmulan
At isulat sa bato ang kahihinatnan?
Masaya kaya ang uod sa pagiging uod?
Ang anay sa pag-tayo ng lupang puntod?
Nalilibang kaya ng uok sa loob ng niyog?
Ito ba ay ninais o sadyang pinagkaloob?
Hindi natin mawari at hindi rin matanto
Mga bagay sa paligid sadyang nakalilito
Sa nangyayaring tadhanang mapaglaro
Umiikot sa buhay sa mundong magulo.
Monday, April 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I like this one...it steers me to think of my existence...you know what, this is how great our God is…no one can ever equal His intelligence and power...:) at hindi mo rin sya maaarok, kahit na gaanu ka pa kalalim..heheheh
How amazing your poems are…keep writing beautiful and inspiring thoughts…naiinggit ako sayo…the last time I was able to write a poem was when I was broken hearted…hahahah…yung lang yun…din a naulet… Guess I have to rekindle my friendship with Mig Light, Cuervo and Vodka..hahahaha para makasulat din ako ng ganito….
Thank you for sharing your thoughts…
ianne
Malalim siya pero kayang arukin.... naks naman nahawa daw sa kalaliman ng mama!
Magaganda ang poems mo yung iba may lalim yung iba mababaw, siguro depende sa mood no?
Malalim siya pero kayang arukin.... naks naman nahawa daw sa kalaliman ng mama!
Magaganda ang poems mo yung iba may lalim yung iba mababaw, siguro depende sa mood no?
Post a Comment