Tuesday, March 27, 2007

Laog na Pagsuyo ni eMeM

Labi’y lalapat sa usok na mapagpadahop
Labi’y uungos sa kopitang mapagpasakop
Ng payak na pag-iisip sagad sa pagsubok
Wari’y lumalaban sa buhay na mapagpasubok

Ilaw na tumatagas ang kulay sa sagkang langit
Pilit ginigising ang hilaw na pukaw ng dibdib
Sumasambulat na galaw ng magubat na yungib
Nagbibigay buhay sa inilibing nang pag-ibig.

Ipikit ang mga matang pagod sa pagtanghod
Huwag mong pababayaan na nguso’y matisod
Bigyan mo ng lakas mga nanghihinang tuhod
Tulunga’t gabayan sa malalim na pagsuyod.

Lulutang, lulubog sa mundong wari’y nagdurugo
Bahid ng pagsuko sa kuko ng mapanilang lobo
Lalaban, sisigaw ngunit sabay pikit sa pagsuko
Kakapit, kakagat sa sarap na walang panibugho.

Nangangalit na tadhana, pati langit ay lumuha
Nagsabog ng ulan at ang lupang tigang ay nabasa
Umagos sa dibdib ng bundok at singit ng lupa
Umapaw sa yungib at doon muling magpupunla.

Muling lalayog sa pagtunog ng binging kampana
Labi’y muling ilalapat at magsusunog ng baga
Habang naghihintay sa mga demonyong gala
Na handang manila sa gaya nyang gutom na linta.

1 comment:

TIMCAP said...

Hilam na ang aking mata sa mga titik na tulang ito... marahil ay nasilaw ako sa .... oh fuck! how could i express it in filipino as fluidly as you are?

anyways sorry for the f word but isn't it that the gist of this poem has something do do with it hahahah ... well bro keep on blogging you have just uncovered your other side... it is one of the reasons why I consistently admire you...

tim

also, i am looking for subject matters that I could write in a very light way... my current blog is too stiff and maybe too cerebral for comfort ...


tim